top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Miyembro ng NPA, sumuko

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 19, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | Oct 19, 2021


ISABELA—Limang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Ilagan City.


Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong NPA.


Ayon sa ulat, isinuko rin sa mga awtoridad ng mga komunista ang dala nilang mga armas at subersibong dokumento.


Sinabi ng mga sumukong NPA na nais na nilang magbagong-buhay kaya nagpasya silang magbalik-loob sa gobyerno.


Patuloy pang isinasailalim sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong NPA upang matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page