top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Miyembro ng NPA, dedbol sa engkuwentro

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 15, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | October 15, 2023


SULTAN KUDARAT -- Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga komunista kamakalawa sa Bgy. Obial, Kalamansag sa lalawigang ito.


Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng nasawing miyembro ng NPA na nag-o-operate sa lalawigan.


Nabatid na may natanggap na impormasyon ang mga awtoridad na may mga miyembro ng NPA ang nangingikil sa mga residente sa naturang barangay.


Dahil dito, agad rumesponde ang tropa ng pamahalaan pero bigla silang pinagbabaril ng mga komunista kaya napilitan silang gumanti ng putok at napatay ang isang NPA.


Nang makita ng ibang komunista na patay na ang kasamahan nilang NPA ay mabilis silang tumakas at sa ngayon ay tinutugis sila ng tropa ng pamahalaan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page