Mister, tepok sa bigti

@Balitang Probinsiya | December 9, 2020
CAPIZ—Isang mister ang nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbigti sa loob ng kanilang bahay kamakalawa sa Bgy. Libas, Roxas City.
Sa kahilingan ng pamilya ng biktima ay hindi na ito pinangalanan ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, mismong ang anak ng biktima ang nakatagpo sa nakabiting bangkay ng kanyang ama sa loob ng kanilang bahay.
Nabatid na walang kasama sa bahay ang biktima nang isagawa nito ang pagbigti sa kanyang sarili.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoriad upang mabatid ang motibo ng biktima sa kanyang pagpapakamatay.



Comments