Mister tepok, misis sugatan sa aksidente

@Balitang Probinsiya | March 12, 2021
ALBAY—Isang mister ang namatay at sugatan naman ang misis nito at ang rider nang aksidenteng magkabanggaan ang dalawang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Anislag, Daraga.
Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Ponciano Astillero, 52-anyos, samantalang ang sugatan ay ang misis nitong si Neves, 50-anyos at ang rider ng motorsiklo na si Willy Recona, 29-anyos, pawang residente ng nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Ponciano ang motorsiklo at kaangkas ang misis niyang si Neves ay aksidenteng nakabanggaan nila ang motorsiklong minamaneho ni Recona.
Nabatid na nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan ang mag-asawa at si Recona, pero idineklarang dead-on-arrival si Ponciano.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na aksidente.



Comments