top of page

Mister sinundo sa inuman, misis pinagtataga

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 29, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 29, 2023


AKLAN — Isang misis ang nasa kritikal na kondisyon matapos tagain ng kanyang lasing na mister kamakalawa sa Bgy. Cubay Sur, Malay sa lalawigang ito.


Ang biktima na nagtamo ng isang tama ng taga sa balikat at kamay ay itinago sa pangalang Ruby, nasa hustong gulang, samantalang ang suspek ay ang mister nito na si Jerry Vicente, 36, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, pinuntahan ni "Ruby" ang mister na nakikipag-inuman sa mga kaibigan at nang makitang lasing na ito ay inaya na niyang umuwi, pero nagalit ang suspek na kumuha ng itak at pinagtataga ang kanyang misis.


Sa pag-aakalang napatay niya ang kanyang misis ay mabilis na tumakas ang mister na suspek at sa ngayon ay pinaghahanap na ng mga awtoridad.


Dinala naman ng mga saksi ang biktima sa ospital at sa kasalukuyan ay inoobserbahan pa ito sa pagamutan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page