top of page
Heart Evangelista.jpg

Mister, sinaksak ng misis

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 6, 2021
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | November 6, 2021



ILOCOS SUR—Sugatan ang isang mister nang saksakin ng kanyang misis kamakalawa sa Bgy. Pug-os, Cabugao.


Sa kahilingan ng pamilya ng mag-asawa ay hindi na pinangalanan ang misis na suspek at mister na biktima, kapwa nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, pinuntahan ng misis ang kanyang mister na nakikipag-inuman sa mga kaibigan at pinauuwi, pero hindi pumayag ang biktima kaya nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa.


Nabatid na habang nagtatalo ay biglang naglabas ng kutsilyo ang misis at dalawang beses sinaksak sa katawan ang mister.


Kusa namang sumuko sa pulisya ang misis, samantalang ginagamot na sa ospital ang kanyang mister.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page