top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Mister, pinatay sa harap ng misis

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 3, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 3, 2023



ZAMBOANGA CITY -- Isang mister ang namatay nang barilin ng isang lalaki kamakalawa sa harap ng kanyang misis sa Brgy. Bunguiao sa lungsod na ito.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng tig-isang tama ng bala sa mukha at katawan na si Jay Saavedra, 29, residente ng nasabing lungsod.


Ayon sa ulat, habang itinutulak ni Saavedra ang kanyang motorsiklo, kasama ang misis niya ay biglang sumulpot ang suspek na si Jerry Taring, nasa hustong gulang at agad pinagbabaril ang biktima.


Matapos tiyaking patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang salarin.


Iniimbestigahan na ng pulisya ang suspek at inaalam ang naging motibo nito sa pagpatay sa biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page