top of page
Search
  • BULGAR

Mister patay, misis ligtas sa ambush

@Balitang Probinsiya | ngayong Ika -4 ng Abril, 2024



MAGUINDANAO DEL SUR -- Isang mister ang namatay habang nakaligtas naman ang misis nito sa nangyaring ambush ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Brgy. Galakit, Pagalungan sa lalawigang ito.


Ang nasawi ay nakilalang si Dong Balabadan, samantalang ang misis nito na nakaligtas sa ambush ay si Noraina, kapwa nasa hustong gulang at nakatira sa naturang lalawigan.


Ayon sa ulat, sakay ng kanilang kotse ang mag-asawa nang pagbabarilin sila ng dalawang suspek na mag-angkas sa motorsiklo. Nagtamo ng mga tama ng bala si Dong, habang hindi tinamaan ng bala si Noraina.


Matapos ang pamamaril at mabilis na tumakas ang mga suspek.


Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng mga suspek sa pamamaril sa mag-asawang biktima.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page