Mister nambugbog ng misis, nakumpiskahan pa ng shabu
@Balitang Probinsiya | March 7, 2023
CAMARINES NORTE—Isang mister na nambugbog ng misis ang nakumpiskahan ng mga awtoridad ng shabu kamakalawa sa bayan ng Paracale sa lalawigang ito.
Sa kahilingan ng kanilang pamilya, ay hindi na pinangalanan ang suspek na mister at biktimang misis, kapwa residente sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa kaya binugbog ng mister ang kanyang misis.
Matapos ang pambubugbog ay inireklamo sa pulisya ng misis ang kanyang mister at sa pagresponde ng mga awtoridad at kapkapan ang suspek ay nakumpiskahan ito ng tatlong sachets ng shabu.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Violence Against Women and Children at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments