Mister, nagbigti sa bahay
@Balitang Probinsiya | January 08, 2022
AKLAN–Isang 58-anyos na mister ang nagpakamatay sa loob ng kanilang bahay kamakalawa sa bayan ng Madalag.
Sa kahilingan ng pamilya ng biktima ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang mister na nagbigti na residente ng nabanggit na bayan.
Nabatid na mismong ang misis ng biktima ang nakatagpo sa nakabiting bangkay nito.
Ayon sa misis ng biktima ay wala siyang alam na dahilan para magpakamatay ang kanyang asawa.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang mabatid ang motibo ng biktima sa kanyang pagpapakamatay.



Comments