Mister na si Kiko, pinatatalsik, galit na galit…
- BULGAR

- Jul 17, 2020
- 2 min read
HIRIT NG NETIZEN: SHARON, DINEDMA LANG NI MAYOR SARA, PATI SI PULONG AT INC, IDINAMAY PA
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 17, 2020

“Daming nagkakasakit at namamatay, pero #OustKiko ba talaga ang paandar ng administrasyon? 'Wag sana nila gamitin pa itong COVID para ipilit ang interes ng mga totoong oligarchs na political families. Testing at ayuda ang kailangan ng taumbayan!”
Ito ang socmed post ng kilalang anti-Duterte na si Chel Diokno na ini-repost ni Sharon Cuneta sa kanyang Twitter at Instagram account.
Dinepensahan ni Sharon ang mister niyang si Kiko by saying na hindi na siya mananahimik ngayon at kailangan na niyang ipagtanggol ang asawa na matagal nang nilalait at sinasabihan nang masasakit na salita.
Bahagi ng sinabi ng Megastar, “I wonder who’ll be next. Going too far. So sad. O, Pilipinas naming mahal… ano na ang ginagawa sa iyo. Dear God… You are alive. You see all… We trust only YOU (prayer emoji)…Kalma lang… Nandyan ang Panginoon. At KAMI NANANALIG SA KANYA. Bilog ang mundo… At mapalad ang naaapi. God bless us all. (prayer emoji) #enoughisenough”
Pero kung may mga nakuha mang simpatya, marami na naman ang nang-bash kay Mega dahil sa post niyang ito.
Sabi ng mga netizens…
"Netizens ang tumutuligsa sa asawa mo, bakit ibinibintang mo lahat sa gobyerno? 'Di ka lang pinansin ni (Mayor) Sara (Duterte) nu'ng i-tag mo s'ya ru'n sa pinagbantaan mo na nambastos kamo sa anak mo, nagwawala ka na nang ganyan.”
“Buhay na buhay kayo. Minsan, iniisip ko sa mga gaya mo, kayo ba ay nakikinabang kaya ganyan o sadyang bulag lang sa nangyayari sa kapaligiran?"
“Sharon, sana kasi, sa umpisa pa lang, hindi ka na pumasok or nanghimasok sa politics nang sa gayun, hindi ka (and ang pamilya mo) naluluto sa sarili mong mantika.”
“Stop your foul whining/crying.”
“Siya 'tong nag-post about the Presidential Son at INC na dinelete rin. Hindi naman s'ya inaano. She's the one inviting unnecessary drama into her life.”
"Hay, naku, Ate Shawie… Stop telling everybody that whatever you say is what's right.. Lahat ng tao sa mundo thinks they are right too.. And yes, you are right! Bilog ang mundo. Kayo naman ang nasa ibaba for having stayed in the top for so long.”





Natural Megastar pagtatangol mo yan kasi asawa mo yan sa totoo lang wala naman naiitutulong yang asawa mo sa gobyerno isa siyang puppet ng dilawan, tingin ko may balak tumakbo sa susunod ng halalan si megastar