top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Mister na nambugbog ng misis, tiklo sa shabu

BULGAR
Dec 2, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 2, 2022


CAMARINES NORTE—Isang mister na nambugbog ng misis ang nakumpiskahan ng shabu kamakalawa sa Bgy. Tugos, Paracale.


Hindi muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, binugbog ng mister ang kanyang misis at ang ginawa ng babae ay nagtungo sa himpilan ng pulisya at inireklamo ang kanyang asawa.


Nabatid na agad rumesponde ang mga awtoridad at nang dakpin at kapkapan ang suspek ay nakumpiskahan ito ng sachet ng shabu.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Violence Against Women and Children at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page