top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mister kritikal sa saksak ni misis

BULGAR
Apr 27, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 27, 2022


CAPIZ – Isang lasing na mister ang nasa kritikal na kalagayan nang saksakin ng kanyang misis kamakalawa sa Bgy. Agojo, Panay sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng isang tama ng saksak sa katawan na si Alberto Asignacion, samantalang ang suspek ay ang misis nito na si Geraldine, kapwa nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, nagkaroon umano ng pagtatalo ang mag-asawa na humantong sa pananaksak ng suspek sa biktima.


Agad dinala ng mga saksi si Alberto sa ospital at kasalukuyan na itong ginagamot.

Mabilis namang naaresto ng mga nagrespondeng tauhan ng pulisya ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong attempted parricide.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page