Mister, binoga sa harap ng misis
- BULGAR
- Aug 18, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 18, 2023
CAMARINES SUR -- Isang 57-anyos na mister ang sugatan nang barilin ng isang hindi kilalang armadong salarin sa harap ng kanyang misis kamakalawa sa Bgy. Manapao, Minalabac sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na nagtamo ng isang tama ng bala sa katawan na si Enrique Castillo, residente sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, habang inaayos ni Castillo at ng kanyang misis na itinago sa pangalang “Myrna” ang kanilang mga paninda sa nasabing barangay ay biglang sumulpot ang suspek at agad binaril ang biktima.
Kaagad dinala ng kanyang misis at kanilang mga kapitbahay ang biktima sa pagamutan at kasalukuyan pang inoobserbahan.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya para mabatid ang motibo ng suspek sa pamamaril sa biktima.



Comments