top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Misis, tinodas ng selosong mister

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 17, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 17, 2024


NEGROS ORIENTAL -- Isang misis ang napatay nang saksakin ng kanyang selosong mister kamakalawa sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Banawe, Pamplona sa lalawigang ito.

 

Ang biktimang nagtamo ng isang tama ng saksak sa katawan ay nakilalang si Roselle Obanana, 27, samantalang ang suspek ay ang mister nitong si Rene Boy, 42, kapwa nakatira sa naturang barangay.

 

Ayon sa ulat, habang nasa loob ng bahay ay nagkaroon umano ng pagtatalo ang mag-asawa tungkol sa selos ng mister na may karelasyong ibang lalaki umano ang biktima.

 

Habang nagtatalo ay bigla umanong kinuha ng suspek ang kutsilyo sa kanilang bahay at sinaksak sa katawan ang biktima na agad nitong ikinamatay.

 

Kusang sumuko naman ang suspek na nahaharap sa kasong parricide.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page