top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Misis tinaga na, binoga pa ng mister

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 24, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 24, 2021


CAPIZ—Patay ang isang misis nang tagain at barilin ng kanyang lasing na mister kamakalawa sa Bgy. Dacuton, Dumarao.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ana Mae, 28-anyos, samantalang ang suspek ay ang mister nito na si Argie Mondia, 35-anyos, kapwa residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, lasing na umuwi sa kanilang bahay si Argie at nang hindi madatnan si Ana Mae ay hinanap niya ito hanggang sa matagpuang nakahiga sa duyan sa labas ng kanilang bahay.


Nang tanungin umano ni Argie ang kanyang misis kung bakit nasa labas ito ng kanilang bahay ay dito na nagtalo ang mag-asawa hanggang sa tagain ng suspek ang biktima na tinamaan sa kamay at pagkaraan ay pinagbabaril pa sa katawan.


Nabatid na namatay sa misming pinangyarihan ng krimen si Ana Mae, samantalang nadakip agad ng rumespondeng tauhan ng pulisya ang suspek.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page