Misis tepok, mister sugatan sa bus
@Balitang Probinsiya | May 18, 2023
CAMARINES SUR—Isang misis ang namatay, habang sugatan naman ang mister nito nang mabangga ng isang pampasaherong bus ang kinalululanan nilang motorsiklo, kamakalawa sa Bgy. Fabrica, Bula sa lalawigang ito.
Ang nasawi ay si Susana Nacario, samantalang ang sugatang mister ay si Hernan, kapwa nasa hustong gulang at kapwa nakatira sa Iriga City sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, lulan ng motorsiklo ang mag-asawa nang mabangga sila ng pampasaherong bus na Arnulfo Villafranca, tubong Quezon province.
Dinala pa ng mga saksi ang mag-asawa sa pagamutan, pero idineklarang dead-on-arrival si Susana.
Kusang sumuko sa pulisya si Villafranca na nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide, physical injury and damage to property.



Comments