Misis pinatay ng selosong mister
@Balitang Probinsiya | Enero 14, 2023
PANGASINAN—Isang 39-anyos na misis ang sinaksak at napatay ng kanyang selosong mister kamakalawa sa Bgy. Bantayan, Mangaldan.
Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan ay nakilalang si Marilyn, samantalang ang suspek ay ang mister nito na si Richard Acosta, 41-anyos, kapwa nakatira sa bayan ng Sual sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nag-check-in sa motel ang mag-asawa at dito pinagsasaksak ng suspek ang biktima.
Nabatid na tumakas si Richard matapos mapatay ang asawa, at sa follow-operation ng mga awtoridad ay nadakip ang suspek.
May hinala ang puisya na selos ang dahilan, kaya pinatay ng mister ang kanyang misis at sa ngayon ay nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong parricide.



Comments