Misis patay, mister sugatan sa SUV

Updated: Jan 9, 2021
@Balitang Probinsiya | January 6, 2021
CAGAYAN—Isang misis ang namatay at sugatan naman ang kanyang mister nang aksidenteng mabangga ng SUV ang sinasakyan nilang tricycle kamakalawa sa Bgy. Pateng, Gonzaga.
Nakilala ang nasawi na si Karen Joy Labasan, 32-anyos, samantalang ang sugatan ay ang kanyang mister na si Julius, 40-anyos, kapwa residente sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Julius ang tricycle at nakasakay dito ang kanyang misis ay aksidente silang nabangga ng Ford Ranger na minamaneho ni Arnel Andres sa naturang lugar.
Napag-alamang namatay sa mismong pinangyarihan ng aksidente ang ginang, samantalang ginagamot na sa ospital si Julius.
Kusa namang sumuko sa pulisya si Andres na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide, physical injury and damage to property.



Comments