Misis na nanunog ng motorsiklo, tiklo
@Balitang Probinsiya | December 04, 2021
AKLAN—Inaresto ng pulisya ang isang misis na suspek sa panununog ng motorsiklo ng mismong mister nito sa Bgy. Andagao, Kalibo.
Sa kahilingan ng kanilang pamilya ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang misis na suspek at mister na may-ari ng motorsiklo.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa at nang lumabas sa kanilang bahay ang misis ay sinabuyan nito ng gas ang motorsiklo ng mister at saka sinilaban.
Dahil dito, nagtungo sa himpilan ng pulisya ang mister at inireklamo ang kanyang misis.
Nahaharap ang misis sa kasong public scandal at damage to property.



Comments