top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Misis, kritikal sa saksak ng mister

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 9, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 9, 2021


ILOCOS SUR--Isang misis ang nasa kritikal na kalagayan nang saksakin ng kanyang mister kamakalawa sa Bgy. Macatcatud, Magsingal.


Kinilala ng pulisya ang biktima na nagtamo ng isang tama ng saksak sa dibdib na si Maribeth Elac, 37-anyos, samantalang ang suspek ay ang mister nito na si Michael, 39-anyos, kapwa residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa na humantong sa pananaksak ng suspek sa biktima.


Kusa namang sumuko sa pulisya ang suspek matapos saksakin ang biktima.


Nabatid na patuloy pang inoobserbahan sa pagamutan ang biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page