Misis, kinatay ng mister
@Balitang Probinsiya | Oct 28, 2021
ILOCOS SUR—Isang 25-anyos na misis ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng kanyang mister kamakalawa sa bayan ng Cabugao.
Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan ay nakilalang si Rowena, samantalang ang suspek ay ang mister nitong si Fredelito Layugan, nasa hustong gulang, at kapwa residente ng Bgy. Pug-os sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, pinuntahan ni Fredelito si Roiwena sa pinagtatrabahuhan nito bilang caregiver sa naturang lugar at pilit na pinauuwi.
Nang tumanggi umano si Rowena ay dito na nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa hanggang sa pagsasaksakin ng suspek ang biktima.
Kaagad namang nadakip ng nagrespondeng pulisya ang suspek.



Comments