Misis at kalaguyo, nasakote
@Balitang Probinsiya | December 5, 2022
AGUSAN DEL NORTE—Isang misis at kalaguyo nito ang dinakip ng pulisya matapos mahuli sa akto kamakalawa na nagtatalik sa loob ng lodging-in sa Butuan City.
Hindi na pinangalanan ng pulisya ang misis, kalaguyo nito at ang biktimang mister na pawang residente sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, nakita ng mister na pumasok ang kanyang misis sa lodging kasama ang kalaguyo nito, kaya humingi ito ng tulong sa pulisya.
Kaagad rumesponde ang pulisya at nang puwersahang buksan ang pinto ng kuwarto ng motel ay nahuli sa aktong nagtatalik ang ginang at ang kalaguyo nito.
Nakatakdang sampahan ng pulisya ng kasong adultery ang ginang at ang kalaguyo nito.



Comments