top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Minero todas sa gumuhong tunnel

BULGAR
Dec 9, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 9, 2022


KALINGA—Patay ang minero nang matabunan ng lupa sa gumuhong tunnel kamakalawa sa Bgy. Galdang, Pasil.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Milnar Bag-ayan, 35-anyos, nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, habang nasa loob ng tunnel si Bag-ayan ay bigla itong gumuho, kaya natabunan ang biktima.


Nabatid na nabigo ang mga kasamahang minero ni Bag-ayan na maiahon agad sa gumuhong tunnel ang biktima, kaya humingi sila ng tulong sa mga rescuers.


Napag-alamang makalipas ang ilang oras ay saka lang nailabas sa tunnel ang biktima at agad dinala sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page