Minero nalunod sa falls
@Balitang Probinsiya | Enero 5, 2023
BENGUET — Isang minero ang namatay nang malunod habang naliligo sa talon o falls kamakalawa sa Bgy. Poblacion-Sablan, Itogon.
Ang biktima ay nakilalang si Leoncio Lang-ay, 21-anyos at nakatira sa nabanggit na bayan.
Nabatid na naligo si Lang-ay, kasama ang dalawang kaibigan sa Towing Falls sa naturang lugar at nang sumisid ang biktima ay hindi na ito lumutang.
Napag-alamang agad sumaklolo ang dalawang kaibigan ni Lang-ay at ang mga residente, pero hindi agad nakita ang biktima.
Ayon sa ulat, nang dumating ang rescue team ay saka lang natagpuan sa ilalim ng tubig si Lang-ay, pero bangkay na ito nang maiahon sa falls.



Comments