Search
  • BULGAR

Mga tulak at adik, ayaw talagang paawat!

@Editorial | June 29, 2020



Sa kabila ng pinaiiral na community quarantine, talamak pa rin ang ilegal na droga sa bansa.


Ayon sa Philippine National Police (PNP), 7,606.69 gramo ng shabu at 239,500 marijuana plants na nagkakahalaga ng halos P100 milyon ang kanilang nasamsam sa magkakahiwalay na operasyon sa nakalipas na isang linggo. Kaugnay nito, 51 katao ang naaresto.


Ayon pa sa mga awtoridad, simula Hunyo 1, umabot na sa P8.432 bilyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng PNP Drug Enforcement Group katuwang ang local police units at PDEA.


Grabe, wala ngang pinipiling panahon ang paglaganap ng ilegal na droga. Sa kabila ng dinaranas na pandemic at paghihigpit ay nagagawa pa rin nilang makalusot.


Mukhang kailangan na ng mas mabigat-bigat na parusa. Pero, bago ang lahat, sana’y maging mas matapang muna ang ating gobyerno laban sa mga pinanggagalingan ng ilegal na droga.


Hindi pa man tayo nakakabangon mula sa pandemya, heto at nakikisabay pa rin ang isa sa pinakamatinding salot sa lipunan.


Pakiusap din natin sa ating mga kababayan, huwag nating idahilan ang kahirapan o ang kawalan ng hanapbuhay dahil sa lockdown para kumapit sa patalim. May ibang paraan, huwag tayong magpatalo sa tukso.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.