top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Mga truck, tiyaking nasa kondisyon bago bumiyahe para iwas-aksidente

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 27
1 min read

by Info @Editorial | April 27, 2026



Editoryal, Editorial


Dumarami ang aksidenteng kinasasangkutan ng mga trak sa kalsada. Ilan sa mga ito ay nauuwi sa pagkasugat at pagkamatay ng mga inosenteng tao. 


Hindi ito simpleng aksidente lamang—ito ay madalas na bunga ng kapabayaan.

Maraming trak ang bumibiyahe kahit kulang sa pahinga ang drayber. May ilan ding overloaded o sira ang sasakyan pero pinapadaan pa rin sa kalsada. 


Dagdag pa rito ang mahinang pagpapatupad ng batas-trapiko.


Hindi dapat balewalain ang ganitong sitwasyon dahil malalaki at mabibigat ang trak. Kapag nagkamali, malaki ang pinsalang dulot.


Kailangang higpitan ang inspeksyon sa mga trak bago bumiyahe, tiyakin ang sapat na pahinga ng mga drayber, hindi lasing o nakadroga, at mas istriktong ipatupad ang batas. 


Kung hindi ito aaksyunan, patuloy ang mga trahedya sa kalsada at marami pang buhay ang mawawala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page