Mga senador, patunayang may batas kontra-illegal online gambling
- BULGAR

- Aug 1, 2025
- 1 min read
by Info @Editorial | August 1, 2025

Hindi na biro ang epekto ng online gambling sa mga Pilipino. Habang dumarami ang nasasangkot sa sugal sa internet — maging bata o matanda — dumarami rin ang kaso ng pagkakabaon sa utang, pagkasira ng pamilya, at krimen.
Pinakamalala, may mga ulat ng human trafficking, cyber fraud, at pagkakaugnay ng mga illegal POGO (Philippine Offshore Gaming Operators) sa mga sindikato.Ito ang hamon sa ating mga senador: huwag manahimik kundi magsuri at kumilos nang buong tapang.
Hindi sapat ang mga pagdinig kung mauuwi lang sa tila pagpapabida.
Kailangang may konkretong hakbang. Kung kailangang mas higpitan ang batas ay gawin na.
Ipasara ang mga ilegal na operasyon, at tuluyan ang mga tiwaling opisyal na nakikinabang sa sistema.
Higit kailanman, ngayon dapat patunayan ng Senado na sila ay para sa bayan, hindi para sa sugalan.





Comments