Mga residente at frontliners sa Muntinlupa, makatatanggap ng libreng facemasks
- BULGAR

- Aug 13, 2020
- 1 min read
ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 13, 2020

Mahigit 90,000 facemasks na gawa ng mahigit 100 unemployed na mananahi ang ipamamahagi ng libre sa mga residente at frontliners ng Muntinlupa.
Sa pamamagitan ng Tulong Pangkabuhayan Para sa mga Displaced Workers (Tupad) program, binigyan ng city government ng hanapbuhay ang mga naturang unemployed sewers. P537 ang daily minimum wage ng mga naturang mananahi.
Bukod sa mga facemasks ay gumawa rin ang mga benepisaryo ng Tupad program ng mga personal protective equipment suits para sa mga medical frontliners.





Comments