top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mga pulis, dapat lang na 'di natutulog sa pansitan

BULGAR
Oct 10, 2022
1 min read

@Editorial | October 10, 2022


Mas ganado umano ang Philippine National Police (PNP) na gawin ang kanilang tungkulin sa pagtitiyak na maipatutupad ang peace and order sa bansa.


Ito ay matapos magkaroon ng mataas na approval ratings mula sa publiko ang buong hanay ng pulisya batay sa pinakahuling survey na isinagawa noong Setyembre 22.


Muling sinuri ng mga kinauukulan ang naging performance ng kasalukuyang administrasyon kung saan nakakuha rin ng 67% na approval rating mula sa respondents ang PNP hinggil sa mga alalahanin ng publiko sa paglaban ng kapulisan kontra kriminalidad.


Saludo tayo sa mga pulis na tapat at nagsisikap para matiyak ang kapayapaan at seguridad ng bawat mamamayan.


Malaking bagay ang police visibility, lalo na sa mga lugar na lantad sa krimen.


Kasabay nito, umaasa tayong unti-unti nang mabawasan ang krimen, masugpo ang mga ilegal na bagay, lalo na ang ilegal na droga na salot sa lipunan.


At hindi naman kakayanin ng pulisya ang lahat ng ito kung wala ang tulong at pakikiisa ng lahat.


Ang pagsunod sa batas ay napakalaking tulong ganundin ang pagbabantay sa ating pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page