top of page
Search
BULGAR

Mga presong may ‘K’ lumaya, ‘wag nang patagalin

by Info @Editorial | Oct. 23, 2024



Editorial

Mahigit 240 persons deprived of liberty pa ang pinalaya ng Bureau of Corrections mula sa mga prison facilities sa buong bansa.Kasunod nito, siniguro naman ng BuCor na patuloy nilang ginagawa ang kanilang makakaya para makapagpalaya ng mga qualified PDLs.Sa ngayon nasa 6,110 na umano ang napapalaya ng ahensya simula noong Enero ng kasalukuyang taon.Masasabing ito’y maagang pamasko para sa mga bagong laya at kanilang pamilya.Ang pagpapalaya sa mga presong karapat-dapat ay isang usaping dapat bigyang-pansin. Maraming indibidwal ang nakakulong hindi lamang dahil sa kanilang mga pagkakamali, kundi dahil sa hindi makatarungang mga proseso, kulang na ebidensya, at hindi pantay-pantay na pagtrato sa mga akusado. 


Ang mga presong ito, na maaaring nagbago na o nagbabayad na ng kanilang pagkakamali, ay karapat-dapat sa ikalawang pagkakataon.Isang mahalagang aspeto ng pagpapalaya ay ang pag-unawa sa sistema ng hustisya. Maraming mga kaso ang naisasampa laban sa mga tao na walang sapat na batayan, kadalasang dahil sa hindi tamang imbestigasyon o hindi makatarungang pag-uusig. Ang mga biktima ng ganitong sistema ay kadalasang mga mahihirap na walang kakayahang makakuha ng maayos na depensa. 


Ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga presong ito na muling makapag-ambag sa kanilang mga komunidad ay hindi lamang makabubuti para sa kanila kundi para sa buong lipunan. 


Kaya dapat manindigan para sa isang sistema ng hustisya na makatarungan, mapagpatawad, at nagbibigay ng pagkakataon sa lahat. 


Sa huli, ang tunay na sukatan ng isang lipunan ay hindi lamang sa mga batas na ipinatutupad kundi sa kung paano natin pinapahalagahan ang kapwa, kahit pa nagkamali. 



0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page