Mga Pinoy sa Lebanon, pinalilikas hangga’t posible pa
- Lucille Galon
- Sep 24, 2024
- 1 min read
Ni Eli San Miguel @World News | Sep. 23, 2024

Photo: RMN Networks
Hinihikayat ng Philippine Embassy sa Beirut, Lebanon ang mga Pilipino na lumikas habang may mga commercial flight p. Ito'y dahil sa patuloy na palitan ng rocket attacks sa pagitan ng Israel at Hezbollah.
Apektado ng hidwaan ang hilagang Israel at timog Lebanon. Noong Linggo, inilunsad ng mga eroplanong pandigma ng Israel ang pinakamalakas na pambobomba sa halos isang taon, habang nagpaputok naman ng mga rocket ang Hezbollah papunta sa hilagang Israel.
Nagdulot ang mga naunang pag-atake umano ng Israel, ng pinsala sa libu-libong tao sa Lebanon at pumatay ng hindi bababa sa 39 katao. Hindi naman kinumpirma ng Israel ang kanilang partisipasyon.
Nasa ilalim pa rin ng Alert Level 3 ang Lebanon (voluntary repatriation), at pinapayuhan ang mga Pilipino na makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa 70 858 086 o sa Department of Migrant Office sa 79 110 729.
Comments