Search
  • BULGAR

Mga Pinoy sa abroad na positibo sa COVID-19, saklolohan na!

@Editorial | July 13, 2020



Umabot na sa mahigit 8,000 Pinoy abroad ang tinamaan ng Coronavirus Disease 2019.


Batay sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang Hulyo 11, umakyat na sa 8,804 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 64 na bansa at rehiyon.


Sa nasabing bilang, 2,944 ang patuloy na nagpapagamot, 5,266 ang gumaling na habang 594 naman ang pumanaw.


Kaugnay nito, tiniyak ng ating gobyerno na tututukan ang sitwasyon ng ating mga kababayan sa iba’t ibang bansa at umaasa tayo rito.


Huwag na sanang madagdagan ang mga inuuwing labi ng overseas Filipino workers (OFWs) na namatay sa COVID-19. Sana’y agad nang masaklolohan silang mga gusto nang makauwi nang buhay.


Ilang video ng mga OFWs ang mapapanood online na nagmamakaawa na tulungan nang makabalik ng bansa. Ang iba sa kanila ay tuluyan nang hindi nakakapasok sa trabaho, halos wala ng makain at nagkakasakit na.


Kung tayo rito sa bansa ay nahihirapan na sa sitwasyon dala ng pandemya, tiyak na doble ang dinaranas nilang nasa malayo. Walang pamilyang matatakbuhan, walang malinaw na tulong na matatanggap at walang katiyakan kung hanggang kailan magtitiis sa ganu’ng kalagayan.


Kaya ang panawagan sa ating gobyerno at mga organisasyon na may kakayahang sumaklolo, gawin na natin… habang hindi pa huli ang lahat.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.