top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga Pinoy, feeling safe na sa COVID-19?!!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 21, 2020
  • 1 min read

@Editorial | September 21, 2020



Daan-daan ang dumagsa sa Manila Bay, mahigit 30 katao ang arestado sa party sa bar at nag-aagawan ng masasakyan ang mga pasahero.


Ilan lamang ito sa mga senaryo na tila balewala na sa publiko ang kinahaharap na pandemya.


Mahaba ang pila at dikit-dikit ang mga tao sa baywalk na nilagyan ng artificial white sand ng pamahalaan.


Kahit nasa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila, mapapansing dagsa rin ang mga lolo’t lola at mga bagets — pawang mga naka-face mask pero, ‘di naka-face shield.


Marami ring tao sa footbridge sa Roxas Boulevard at sa sidewalk na abala sa pagkuha ng mga picture at video.


Una rito, mahigit 30 indibidwal naman ang inaresto sa isang bar habang nagpa-party dahil sa paglabag sa curfew at health protocols. Kahit ilang beses nang nagbabala ang mga awtoridad na iwasan muna ang party-party para maiwasan ang pagkalat ng virus ay meron pa ring matitigas ang ulo. Ayaw paawat na para bang ‘di tinatablan ng COVID-19.


Samantala, ang pahirapan sa pampublikong transportasyon ay lalo pang pahirap dahil sa ilang pasaway na pasahero.


Kaugnay ng mahigpit na social distancing at limitadong public transpo, hindi maiwasang mag-agawan ang mga mananakay. Sa bus, may ilang pasahero na nagkainitan kung sino sa kanila ang dapat na bumaba matapos na sitahin ng PNP-Highway Patrol Group (HPG) dahil hindi nasusunod ang isang metrong distansiya.


Kung magpapatuloy ang katigasan ng ulo at dededmahin ang mga panuntunan kontra-COVID-19, malamang na forever na ang community quarantine.


Ang masaklap, maraming bagay ang nasasakripisyo habang itong mga pasaway ay feeling safe na.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page