top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mga pekeng sigarilyo, nakumpiska

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 22, 2021
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | November 22, 2021


ZAMBOANGA CITY--Nakumpiska ng mga awtoridad kamakalawa ang mga pekeng sigarilyo sa nasunog na warehouse kamakalawa sa Bgy. Divisoria.


Sa ngayon ay hindi muna pinangalanan ng mga awtoridad ang may-ari ng warehouse.


Ayon sa ulat, sumiklab ang sunog sa isang bahagi ng warehouse kaya rumesponde ang mga bumbero at mabilis na naapula ang apoy.


Nabatid na habang nagsasagawa ng imbestigasyon tungkol sa sunog ay napuna ng mga bumbero ang maraming nakaimbak na sigarilyo sa warehouse kaya ini-report nila ito sa pulisya.


Nang siyasatin ng mga awtoridad ang mga sigarilyo na nagkakahalaga ng mahigit P12 milyon ay napag-alamang peke ang mga ito na ginaya lang sa cigarette brand kaya agad kinumpiska at dinala sa himpilan ng pulisya.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page