Mga pasyalan gusto nang buksan, safe na ba???
- BULGAR

- Oct 4, 2020
- 1 min read
@Editorial | October 4, 2020
Kung ang Department of Tourism (DoT) daw ang tatanungin, gusto na nilang mabuksan ang lahat ng mga tourist destination sa bansa.
Ito ay dahil na rin umano sa papalapit na holiday season o Pasko.
Target daw talaga nilang buksan ang mas marami pang tourist destination para sa mga gustong magbakasyon sa ibang lugar sa bansa para makapag-relax.
Kasunod na rin ito ng pagbubukas ng Boracay, Baguio at Vigan para sa mga local tourist.
Bukod sa mga turista, layon din umano ng pagbubukas ng turismo ang makabalik na sa trabaho ang mga kababayang natambay dahil sa lockdown na dulot ng COVID-19 pandemic.
Bagama’t, nilinaw naman ng DoT na nasa pasya pa rin ng local government units kung tuluyang nang bubuksan ang mga pasayalan sa kanilang lugar.
Sadyang lahat ay apektado ng pandemya. Tipong bawat kilos ay tiyak na may epekto sa iba kaya kailangan munang pag-aralang maigi bago gawin.
Tulad nitong sa ekonomiya, alam nating kailangan nang bumangon kahit paunti-unti.
Mahirap nga naman na safe tayo sa virus pero, hindi sa gutom.
Kung magiging mas disiplinado ang publiko at talagang mag-iingat, wala naman sigurong dahilan para pigilan pa ang pagbubukas ng mga lugar na pinagmumulan din ng kabuhayan.
‘Ika nga, matuto na tayong makipagsabayan at lumaban sa virus dahil nariyan na ‘yan.


Comments