Mga paslit, ‘wag hayaang umangkas sa motor
- BULGAR

- Jun 28
- 1 min read
by Info @Editorial | June 28, 2025

Nakababahala ang patuloy na pag-aangkas ng mga bata lalo na ng sanggol sa motorsiklo.
Sa kalsada, makikitang may mga magulang na may kargang bata — walang helmet, walang sapat na proteksyon, at nasa panganib anumang oras.
Ayon sa Republic Act No. 10666, o Children’s Safety on Motorcycles Act, maaari lamang mag-angkas ng bata sa motorsiklo kung may suot siyang helmet, kaya niyang kumapit sa rider at kayang abutin ang foot pegs.
Ang mga mahuhuling lumalabag sa batas ay pagmumultahin ng kaukulang halaga at maaaring bawian ng lisensya.
Hindi dapat isugal ang buhay ng isang musmos para lang sa mabilis na biyahe. Wala siyang kakayahang kumapit o protektahan ang sarili sa oras ng aksidente. Ang motorsiklo ay hindi para sa mga sanggol.
Panahon na para higpitan ang batas. Ipagbawal nang mariin ang pag-aangkas ng bata. Magpatupad ng mas mahigpit na parusa sa mga lalabag. Puwedeng tuluyan nang i-impound ang motorsiklo at tuluyan nang bawian ng lisensya.
Hindi na sapat ang paalala lang, kailangan na ng aksyon.






Comments