top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mga nurse, bigyan ng pagkakataon para 'di na mapilitang mag-abroad

BULGAR
May 31, 2022
1 min read

@Editorial | May 31, 2022


Sa pagpasok ng bagong administrasyon, umaasa ang grupo ng mga nurse na mapagbibigyan na ang matagal nilang hinaing.


Patuloy ang panawagan ng Philippine Nurses Association (PNA) na gawing pantay ang pasahod sa mga nurse na nagtatrabaho sa pang-gobyerno at pang-pribadong pagamutan.


Nakasaad ito sa panukalang Philippine Nursing Act na nagpapantay sa mga pasahod ng mga nurse sa nasa pribado at pampublikong pagamutan.


Ang mga nurse na nasa pampublikong pagamutan ay sumasahod ng mula P30,000 hanggang P40,000. Mas mababa naman dito ang natatanggap ng mga nasa private.

Samantala, tatlo hanggang apat na beses namang mas mataas ang sasahurin kung sa ibang bansa magtatrabaho. Kaya hindi maiwasan na maraming nurse ang napipilitang mag-abroad.


Marahil, kung mapagbibigyan ang panawagang pantay na sahod sa government at private, may mga gugustuhin na ring manatili sa bansa.


Napakahalaga ng ating mga health worker at lalo itong naramdaman sa gitna ng pandemya. Kabilang sila sa mga buwis-buhay na frontliners na talagang hindi nang-iwan sa laban ng bawat mamamayan kontra COVID.


Sana, mapakinggan at mapag-aralan ang kanilang mga panawagan. Kung kayang ibigay, ibigay na at huwag na silang pahirapan.


Bigyan natin sila ng pagkakataon na makasama ang kanilang mga mahal sa buhay nang hindi nahihirapan o nagtitiis.


Huwag nating ipagkait ang pang-unawa, pag-aalaga at pagmamahal na hindi nila ipinagdadamot sa lahat.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page