top of page

Mga kinakailangan ng katawan para maiwasan ang matinding hair fall

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 23, 2020
  • 2 min read

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 23, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Common problem lalo na ng mga kababaihan ang paglalagas ng buhok pero know’s n’yo ba mga beshy na mayroon ding epekto sa ating hair growth ang kakulangan sa balanced nutrients?


Anu-ano nga ba ang kailangan para maging maganda, maayos, at matibay ang buhok at

maiwasan ang paglalagas nito?


1. Biotin

Ang biotin ay B-vitamin na kinakailangan para sa hair growth. Ang karne at seafoods ay

sagana rito.


Bukod sa biotin, kahit na ano’ng B-vitamins ay nararapat nating i-intake dahil ayon sa

Healthline, ito ay tumutulong sa produksiyon ng red blood cells na nagdadala ng oxygen

at nutrients sa ating scalp at hair follicles.


2. Iron

Katulad ng B-vitamins, tumutulong ang iron sa produksyon ng red blood cells.

Ang hemoglobin ay responsible sa pagta-transport ng oxygen para sa cell regrowth.

Ito ay matatagpuan sa whole grains, beans, patatas at dark green leafy vegetables.

Ang kakulangan sa iron ay ang sanhi ng pagkakaroon ng marupok ng buhok.


3. Vitamin D

Ayon sa mga eksperto, ang mababang vitamin D ay ang dahilan ng sakit na alopecia o

excessive hair loss. Bukod sa morning sunlight, ang pagkain ng fatty fish ay nakatutulong upang magkaroon ang ating katawan ng sapat na vitamin D.


4. Collagen

Ang collagen ay mayroong amino acids na tumutulong sa ating katawan na makapag-

produce ng keratin, o ang building block ng buhok at kuko. Ang collagen din ay isang uri

ng antioxidant na tumutulong para maiwasan ang pagka-damage ng follicles.


Nagpo-produce an gating katawan ng collagen pero habang tumatanda ay bumabagal ang proseso kaya beshy, kain-kain din ng mga bone broth o buto-buto, okay?


5. Vitamin C

Ang vitamin C ang tumutulong sa produksiyon ng collagen sa ating katawan. Kaya hindi

lang ito magandang pampatibay ng immune system, dahil isa rin ito sa kailangan para

ma-achieve ang maganda at matibay na buhok!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page