top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mga jeepney drivers nagpapasaklolo na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 17, 2020
  • 1 min read

@Editorial | August 17, 2020



PATULOY ang pagdaing ng mga jeepney drivers sa gitna ng lockdown na ipinatutupad dahil sa COVID-19 pandemic.

Marami sa kanila ang hindi pa rin nakatatanggap ng ayuda mula sa social amelioration program (SAP).

Ang nakapagtataka ay tila nagpapasahan umano ang DSWD at LTFRB. Sa panayam sa isang tsuper, ang sinabi umano ng DSWD ay nasa LTFRB ang tulong na nakalaan para sa kanila subalit, ayon naman sa huli ay ipinasa na nila sa una.

Kaya sa halip na umasa at maghintay kung maaambunan pa ng ayuda, ang nais na lang ng mga jeepney driver ay makabalik sa pamamasada bagama’t, hindi rin naman sila papayagan dahil sa ipinatutupad na lockdown. Ito ang dahilan kaya may iba sa kanila ang napipilitan na ring mamalimos, bagay na tutugon sa halos kalahating taon na walang biyahe at walang cash assistance mula sa gobyerno.

Kung may iilan mang pinalad na makatanggap sa ikalawang bugso ng SAP, kulang pa pambayad sa kuryente, tubig, gastos sa pang-araw-araw at mga pinagkakautangan.

Sana mabigyang-pansin ang hinaing ng mga drayber. Kung may ibang programa para makatulong sa kanila ay gawin na. Bigyan natin sila ng alternatibong mapagkakakitaan, alang-alang na rin sa kanilang pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page