top of page

Mga hirit sa SONA, wa’ ‘wenta kung ‘di matutupad

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 29
  • 1 min read

by Info @Editorial | July 29, 2025



Editorial

Dahil sa mga bagyong nananalasa sa bansa, kasabay na napag-uusapan ang ayuda — ang mga pangakong tulong na dapat ay mabilis, sapat, at direktang nakararating sa mga nasalanta.


Kung pagbabatayan ang pahayag ng mga opisyal ng pamahalaan sa State of the Nation Address (SONA), malinaw ang layunin: walang maiiwan, lalo na sa panahon ng sakuna. 


Ngunit sa realidad, hindi iilang ulat ang nagsasabing may mga lugar pa ring hindi naabot ng tulong, may mga pamilya ang nagsasabing wala silang natanggap, at may ilang lokal na opisyal ang kinukuwestiyon ang distribusyon ng pondo.


Ang ayuda ay hindi dapat maging palabas lamang tuwing may kalamidad. Isa itong patunay ng malasakit ng pamahalaan. Kaya’t nararapat lamang na ito’y bantayan — mula sa alokasyon hanggang sa aktuwal na distribusyon. 


Dapat ay may malinaw na sistema, may transparency, at may pananagutan ang bawat ahensya at opisyal.Kung sinsero ang gobyerno sa layunin nitong “Bagong Pilipinas” gaya ng binanggit sa SONA, dapat maparamdam ito lalo na sa panahong ang tao ay lugmok at nangangailangan. 


Hindi sapat ang mga talumpati; kailangang makitang epektibo ang sistema para sa kapakanan ng taumbayan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page