top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga Hapon, papayagan nang mag-travel sa 12 bansa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 8, 2020
  • 1 min read

ni Lolet Abania | October 8, 2020




Plano nang alisin ng Japan ang ipinatutupad nilang overseas travel ban sa 12 bansa sa susunod na buwan, ayon sa report ng Yomiuri newspaper.


Kabilang sa mga bansa at regions na papayagan nang mapuntahan ng mga travelers ay China, Taiwan, Australia, New Zealand, Singapore, South Korea, Vietnam at Malaysia, ayon pa sa Yomiuri.


Gayunman, sa pahayag ng Japanese government, kung saan kasalukuyang ipinagbabawal ang magpunta sa 159 bansa at mga rehiyon, ipinapayo nila sa lahat ng mamamayan na iwasan pa rin ang magtungo sa 12 papayagang bansa kung hindi kinakailangan at walang mahalagang bagay na gagawin sa lugar.


Layon ng pamahalaan ng Japan na unti-unting mabuksan ang ekonomiya nito sa mga transaksiyon sa ibang bansa habang patuloy ang paglaban sa pandemya ng COVID-19.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page