top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mga ginawang negosyo ang pabahay ng gobyerno, layas!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 18, 2021
1 min read

@Editorial | June 18, 2021



Bago ang kontrobersiyal na pahayag ng isang mambabatas na wala nang squatter sa bansa ‘pag siya ang naging pangulo, nagbigay naman ng babala ang National Housing Authority (NHA) sa mga benepisaryo na nagpaparenta ng pabahay ng gobyerno.


Kaugnay nito, itinutulak ang amyenda sa kanilang charter para i-disqualify at palitan ang sinumang mahuhuling pinagkakakitaan ang kanilang socialized housing unit.


Natukoy na ang ibang nakinabang sa pabahay ay pineperahan lang umano ang unit.


Napag-alamang ang mga pabahay ay nasa P250 hanggang P500 kada buwan lamang ang bayad subalit, pinauupahan nang mula P3,000 hanggang P4,000 ng benepisaryo sa ibang tao. Malinaw na ginawang negosyo.


Sa ngayon, wala umanong magawa ang NHA dahil wala sa kanilang charter ang kapangyarihan para magpalayas ng benepisaryo.


Kaugnay nito, may mga hirit namang napipilitan silang iparenta o ibenta sa iba ang nakuhang pabahay dahil sa wala naman silang mapagkakakitaan sa lugar.


Kaya rin may mga proyekto, partikular sa local government unit (LGU) na nagpapatayo na ng mga pabahay sa lungsod, para ‘ika nga maitawid nang lubos ang tulong.


Ang pakiusap lang sana ay mapunta sa mga karapat-dapat ang mga ganitong tulong at hindi sa mga pasaway.


Marami tayong kababayan na todo-kayod sa pagtatrabaho para magkaroon ng sariling bahay habang itong mga binigyan na ng disenteng tirahan ay tila walang pakialam.


Isa pa sa nakapanghihinayang ay ang mga nakatenggang units, sana’y mapakinabangan na dahil sayang ang pondong inilaan sa mga ‘yan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page