Mga face shields, dapat sagot ng employer — DOLE
- BULGAR

- Aug 12, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | August 12, 2020

Hiniling ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maging mandatory na ang pagsusuot ng face shields sa mga empleyado sa kanilang pinagtatrabahuan, ayon kay Secretary Silvestre Bello III.
Ayon kay Bello, makukumpirma ang alituntunin na ito matapos ang miting nila sa Inter-Agency Task Force (IATF) kasama sina Trade Secretary Ramon Lopez at Health Secretary Francisco Duque III.
“Ginagawa pa namin 'yung health protocol para sa workplaces. Siguro mako-confirm 'yan mamayang hapon sa meeting ng IATF,” sabi ni Bello.
Dagdag ni Bello, layon ng panukalang ito na masiguro ang kaligtasan ng lahat ng empleyado habang naka-duty ang mga ito sa trabaho.
Ayon pa sa Labor chief, dapat na ipo-provide ng mga employers ang pagkakaroon ng face shields ng kanilang empleyado.
Gayundin, ang mga kumpanyang hindi susunod o non-compliant ay may kaukulang administrative penalties, babala ni Bello.
Samantala sa Sabado, August 15, epektibo na ang mandatory wearing of face shields para sa lahat ng public transportation passengers o pasahero sa ilalim ng ipatutupad ng Department of Transportation Memorandum Circular No. 2020-014.





Comments