Search
  • BULGAR

Mga estudyante sa Italy, balik-eskuwela na sa Setyembre

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 27, 2020




Inanunsiyo nina Italian Prime Minister Giuseppe Conte at Education Minister Lucia Azzolina na balik-eskuwela na sa Setyembre ang mga mag-aaral sa Italy.


Ilan sa mga guidelines na ipinatupad nila sa mga paaralan ay ang social distancing kung saan 1 meter apart ang mga upuan at imbes na sa cafeterias ay sa loob na lamang ng silid-aralan maaaring kumain.


Saad ni Prime Minister Conte, “These guidelines will allow us to send back to school our daughters and sons in maximum safety.”


Bilang paghahanda sa pagbabalik-eskuwela ng mga mag-aaral sa Setyembre, ayon kay Prime Minister Conte ay mag-i-invest sila ng extra 1 billion euros o 1.12 billion dollars para sa renovation ng mga paaralan at iba pang sanitation products.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.