top of page
Search
  • BULGAR

Mga drayber, suko na sa presyo ng petrolyo

@Editorial | June 19, 2022


May panibago na namang taas-presyo sa petrolyo, kamot-ulo na naman ang mga motorista, lalo na ang mga namamasada.


Ilan na rin ang tuluyan nang sumuko at napilitan nang maghanap ng ibang mapagkakakitaan.


Sa Lungsod sa Quezon, nakagarahe na lamang at hindi na pumapasada ang mahigit sa 100 taxi. Kung saan, sa 175 na rehistradong taxi, 40 hanggang 50 lamang ang nakapapasada, ‘yung 200 drivers ay umalis na.


Silang mga nagpapatuloy, todo-tiyaga na lang kesa walang maiuwi para sa pamilya. Kung saan, mula sa dating P2,000, nasa P1,000 na lamang o mababa pa ang kita dahil napupunta lang sa gasolina.


Sa ngayon, nag-follow-up na umano sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga taxi company para sa subsidiya pero hindi pa raw sila nakatatanggap ng tugon mula sa tanggapan.


Sinabi na rin ng mga taxi driver na hindi sila pabor na itaas ang flagdown rate sa P60 mula P40 dahil lalo umano silang mahihirapang makahanap ng pasahero at sila rin ang maaapektuhan kapag ipinatupad ito.


Kaya umaasa na lang sila na bababa rin ang presyo ng petrolyo at may ayuda kahit paano mula sa gobyerno.


Sana huwag namang umabot na tuluyan nang hindi pumasada ang ating mga kababayang tsuper dahil mas grabe ang ating hirap na daranasin.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page