top of page
WINNER - NETIZENS KAY PANELO KAWAWANG ‘PINAS!-IG _salvador.panelo & FB Robin Padilla.jpg

Mga dapat gawin ng bebot na ‘di sineryoso ng mga ex-bf

  • BULGAR
  • Aug 8, 2022
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| August 8, 2022


Dear Maestro,


Bakit kahit mabait at mapagmahal naman ako sa mga nagiging boyfriend ko, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sinusuwerte sa pag-ibig? Tatlong beses na akong nagkaka-nobyo, pero kahit isa ay walang nagtagal at walang nagseryoso. Kumbaga, kahit minsan ay hindi umabot nang isang taon ang relasyon namin ng mga naging boyfriend ko.


Minsan, iniisip kong malas talaga ako sa pag-ibig, pero sabi n’yo naman, walang taong malas, kaya sana ay suwertehin na ako.


Kung susuwertehin na ako sa pag-ibig, kailan ito mangyayari at ano ang palatandaan ng lalaking magiging seryoso at pangmatagalan ko nang magiging boyfriend at mapapangasawa? December 8, 1995 ang birthday ko.


Umaasa,

Arianne ng Agdao, Malasiqui, Pangasinan



Dear Arianne,


Sa totoong buhay, malungkot talaga ang karanasan ng mga Taong Otso (8, 17, at 26) na tulad mo. May mga pagkakataon pa na ang ilang mga taong isinilang nang eksaktong December 8 ay kung hindi ampon, sila ay ulila at kung sinu-sino ang nag-alaga sa kanila, gayundin, kung saan-saan sila lumaki. Kumbaga, malungkot na ang totoong buhay ng mga taong nabanggit, nakakadagdag pa ng lungkot ay nabibigo o hindi sila nagiging maligaya sa pag-ibig. Pero hindi na ngayon, Arianne, higit lalo kung susundin mo ang mga rekomendasyong ilalahad natin ngayon.


Una, kailangang ang birth date ng lalaking pipiliin mo ay 7, 16, 25, 2, 11, 20, 29, 5, 14 at 23, upang ikaw ay makasumpong ng maligayang relasyon at hangga’t maaari, ang lalaking nabanggit ay dapat na isinilang sa buwan ng Mayo o may zodiac sign na Gemini, Leo, Aries o kapwa mo Sagittarius.


Pangalawa, huwag mong mahalin o tangkaing mapangasawa ang taong mahal na mahal mo. Sa halip, timbangin mong mabuti ang pagdedesisyon, ang piliin mo ay lalaking mahal na mahal ka, kaysa sa mahal na mahal mo. Kadalasan kasing nagkakawindang-windang ang inyong puso sa panahong nai-in love kayo sa taong mahal na mahal n’yo. Para lumigaya, kung magagawa mo, baliktarin mo naman ang sitwasyon, mahalin mo ang lalaking hindi mo masyadong mahal pero mahal na mahal ka.


Pangatlo, ayon sa physiognomy (siyensiya at sining ng pagtuklas ng kapalaran at katangian ng indibidwal ayon sa hugis ng mukha at katawan o body physique), kung ikaw ay babaeng medyo chubby, ‘wag kang pumili ng lalaking maskulado at malaki ang katawan dahil posibleng mahiwalay ka lang sa kanya, sa halip, ang piliin mo ay medyo payat. Sa ganyang pisikal na deskripsyon, mapapanuto na ang love life mo.


Ito kasing mga babaeng Sagittarius ay para ring mga Libra— mahilig sa macho at guwapo, pero kapag ganu’n ang napapangasawa nila, kadalasan ay niloloko sila ng lalaki, kaya naghihiwalay lang sila.


Muli, sa prinsipyong pang-physiognomy, kung ikaw ay babaeng Taong Otso na chubby at palaging bigo o luhaan sa pag-ibig, pumili ka ng lalaking payat. Sa piling niya, makakatagpo ka na ng panghabambuhay na kaligayahan.


At sa sandaling sinunod mo ang mga mungkahing inilahad sa itaas, tiyak ang magaganap sa susunod mong pag-ibig, kung saan makakasumpong ka na ng maligaya at panghabambuhay na pakikipagrelasyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page