Mga cong. na tinukoy ni P-Du30 na komunista, walang huli, hmmm…
- BULGAR

- Dec 3, 2020
- 1 min read
@Editorial | December 3, 2020
Matapos diretsahang tukuyin ni Pangulong Rodrigo Duterte na pawang mga komunista ang Makabayan bloc, naglabas naman ng pahayag ang Malacañang na hindi umano aarestuhin ang mga ito.
Binubuo ang Makabayan bloc nina Bayan Muna Reps. Carlos Zarate, Ferdinand Gaite at Eufemia Cullamat; ACT Teachers Rep. France Castro; Kabataan Rep. Sarah Elago at Gabriela Rep. Arlene Brosas.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, na-decriminalize na kasi noong panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino ang pagiging miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP). Ang hiling lang ng gobyerno ay itakwil ng makakaliwang grupo ang umano’y pagsuporta sa New People’s Army (NPA).
Ang pag-aarmas at pagpatay ay gawaing hindi makatarungan. Wala itong ibang maidudulot kundi karahasan at kahirapan.
Bagama’t may kani-kanya tayong paniniwala at prinsipyo, hindi ito dapat mauwi sa gulo. Palaging may ibang paraan, may mapayapang paraan.
Walang problema sa pagpuna o pagkritiko lalo na kung may mga kapalpakan tayong nakikita basta’t kasunod nito ay ang mabuting layunin at ‘yun ay ang maitama ang mali, masolb ang mga problema at makagawa ng mga bagay na makatutulong sa lahat lalo na ngayong dumaranas tayo ng mga pagsubok at kailangang makabawi.



Comments