Mga baril at bomba ng NPA, nakumpiska

@Balitang Probinsiya | February 4, 2021
QUEZON—Nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga baril at bomba sa sinalakay nilang kuta ng New People’s Army (NPA) kamakalawa sa bulubunduking lugar ng Mulanay.
Ang sinalakay ng tropa ng pamahalaan ay ang kuta ng mga miyembro ng NPA sa Bgy. Bulo sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad tungkol kuta ng mga NPA kaya agad itong sinalakay ng tropa ng pamahalaan at dito nagkaroon ng engkuwentro sa pagitan ng magkabilang-panig hanggang sa tumakas ang mga komunista.
Sa pagtakas ng mga NPA ay nakubkob ng tropa ng pamahalaan ang kanilang kuta at dito narekober ang mga baril at bomba.
Patuloy pa ang isinasagawang pagtugis ng tropa ng pamahalaan sa mga tumakas na NPA.



Comments