Mga bala sa bakanteng lote, natagpuan
@Balitang Probinsiya | November 19, 2021
SORSOGON—Sangkaterbang bala ang natagpuan ng mga awtoridad kamakalawa sa bakanteng lote sa Bgy. San Rafael, Bulan.
Ang mga balang narekober ay nahukay ng mga awtoridad sa bakanteng lote na pag-aari ng isang residente sa nasabing barangay.
Ayon sa hindi pinangalanang residente ay nakita niya ang mga hindi kilalang armadong lalaki na may hinukay at ibinaon sa kanyang bakanteng lote.
Nang umalis ang armadong kalalakihan ay agad itong nag-report sa pulisya, at nang hukayin ay dito natagpuan ng mga awtoridad ang mga bala ng rifles.
May hinala ang mga awtoridad na miyembro ng NPA (New People’s Army) ang nagbaon ng bala sa nasabing lugar.



Comments